Pres. Duterte, Inatasan Ang Afp Na Arestuhin Ang Mga Tiwaling Pulis



Iniutos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong promote na heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tulungan siyang resolbahin ang problema sa illegal drugs sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga pulis na sangkot sa ganitong katiwalian.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga bagong promote na heneral, pinabuwag na niya ang anti-illegal drug units ng PNP kasabay ang pagbabawal sa kanila na magsagawa ng anti-illegal drug operations.

“No policemen in this country anywhere is allowed to enforce laws related to the drug campaign. Culture of corruption is rampant in the PNP. There are about 6,000 policemen involved in drugs,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa mga bagong heneral.

Aniya, kailangan talaga niya ang tulong ng AFP upang kastiguhin at arestuhin ang mga abusadong pulis lalo na ang mga sangkot sa illegal drugs.

“May all of you remain faithful to the flag of the Philippines. Guard your nation and your people. You owe it to country and people,” wika pa ng Pangulo.

Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano ang oath taking ng mga bagong promote na heneral ng AFP sa MalacaƱang kahapon.

Samantala, nagtalaga na kahapon si PNP chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng bagong hepe ng binuong Counter Intelligence Task Force (CITF) upang tutukan ang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga scalawags o tiwa­ling mga pulis.

Sinabi ni dela Rosa na si Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, dating City Director ng Zamboanga City Police ang napili niyang mamuno sa CITF na titiyak na scalawags free at matatanggal lahat ng mga bugok na itlog sa organisasyon ng PNP.

Si Malayo, miyembro ng PMA Class 1989 ay itinalaga sa puwesto matapos namang buwagin ang PNP-Anti Illegal Drugs Group nang mabulgar na sangkot ang mga tauhan nito sa pagdukot sa South Korean trader na si Jee Ick Joo sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 2016 na pinaslang sa loob ng Camp Crame.

[Source]
[source]
Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

DON'T miss our daily news via facebook. Like our facebook page now!

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90