Pagdiriwang daw ng Edsa 1, isang malaking kalokohan



SA darating na Pebrero 22-25 ay ipagdiriwang na naman ng pamahalaan ang Edsa 1, ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand E. Marcos mula sa Malakanyang.

Ilang milyon na naman kaya ang gagastusin ng pamahalaan sa pagbabalik-tanaw sa Edsa 1?

Noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, pumapalo sa average na P30 milyon ang gastos ng pamahalaan upang ipagdiwang ang Edsa 1 at pinalabas na bayani ang kanyang ina na si Corazon Aquino.
 
Maganda at makabuluhan ang Edsa 1 dahil sa pangako nito sa mamamayang Pilipino.
 
Ngunit, pagkatapos ay lumitaw na pawang kalokohan ang resulta nito, sapagkat naging maganda lamang ang resulta ng Edsa 1 sa mga katunggali ng pamilya Marcos sa pulitika at pangpamahalaang kapangyarihan tulad nina Aquino, Roxas, Salonga, at iba pa.
 
Pagkatapos ng Pebrero 25, 1986 hanggang Hunyo 30, 2016, ang tunay na mga nakinabang ay mga politikong corrupt at plunderer ng kaban ng bayan, mga negosyante, mga asindero, at mga oportunista sa hanay ng kaliwang puwersa.
 
Hindi nakinabang ang pinakamalaking bilang ng mamamayang Pilipino lalo na ang mga manggagawa, magsasaka, manggagawang bukid, maralitang taga-lungsod, at iba pang mga sektor na kasama sa ilalim ng guhit ng kahirapan.
 
Kung tutuusin, pati ang pangkat ni Jose Ma. Sison ay nakinabang, sapagkat mula nang pinalaya siya ni Cory ay sa The Netherlands na ito nagpasarap ng buhay hanggang ngayon.
 
Hindi ba’t simula sa panahon ni Cory Aquino hanggang kay Noynoy Aquino ay iyong mga ubod nang yayaman tulad ni Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, pamilya Ayala at mga katulad nila ang tunay na kumabig nang kumabig ng yaman?
 
Hindi ba’t ang mga ganid, sakim, at hayok na mga politiko ang yumaman nang yumaman habang nasa pamahalaan?
 
Hindi rin ba’t maging ang mga anti-Marcos at ‘defenders of human rights’ ay nakakulimbat din nang husto mula sa kaban ng yaman ng bansa?
 
Ang natira sa mamamayan ay kakarampot na perang galing sa kanilang sipag sa pagtatrabaho.
 
Kung ako ang inyong tatanungin, hindi na dapat pang pagaksayahan ng panahon at pagkagastusan ni Pangulong Duterte ang Edsa 1, sapagkat hindi naman talaga nauwi sa pagbabago ang nasabing pag-aaklas.
 
Hindi naman talaga naibigay ng mga pasimuno ng Edsa 1 ang kanilang mga pangako noon sa mamamayang Pilipino.
 
Ang natupad lang ay naibalik ang demokrasya.
 
Pero, kahit ito ay depektibo, dahil ang ibinigay ng demokrasyang ito ay ang kalayaan sa mga politiko at mayayaman na lalong maging makapangyarihan at mayaman, samantalang ang higit na mararaming mahihirap ay hindi nakalaya sa kahirapan.
 
Hindi ba’t ang karamihan sa mga squatter noon ay squatter pa rin ngayon? At mas dumami pa?
 
Hindi ba’t ang mga ordinaryong manggagawa noon ay mga manggagawa pa rin ngayon?
 
Hindi ba’t ang mahigit 98% walang lupa noon ay wala pa ring sariling lupa ngayon?
 
Hindi ba’t ang wala pang 2% ng populasyon ng bansa na tinuturing na mayaman noon ay siya pa ring porsiyento ng mayayaman sa bansa at ang 98% ng ating populasyon ay nananatiling mahihirap?
 
Hindi demokrasya ang panatilihing mahihirap ang 98% ng ating mga mamamayan.
 
Walang demokrasya kung milyun-milyon sa ating mga kababayan ay nananatiling hindi nakakain ng tatlong beses sa isang araw.
 
Isang malaking kalokohan na ipagdiwang ang Edsa 1 na hindi naman nagpalaya sa kahirapan sa ating mga mamamayan.
 
Hindi kalayaan ang magkaroon ng watawat na nakawagayway sa lupang alipin ng kahirapan ang ating mga mamamayan.
 
Magkaisa tayo at maglunsad ng rebolusyon, na tunay na magpapalaya sa kahirapan at kawalang katarungan sa mga mahihirap nating kababayan.
[source]
Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

DON'T miss our daily news via facebook. Like our facebook page now!

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90