Ginang, Ginahasa Ng Bayaw Sa Harap Ng Mga Anak



Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa umano sa kanyang hipag sa harap ng 2 menor de edad nitong anak sa Minalabac, Camarines Sur.

Ikinuwento sa mga pulis ni "Jessa," 5-taong gulang na anak ng biktima ang panggagahasa ng kanyang tito sa kanyang ina na si "Maria."

Ayon sa bata, hindi pa umuuwi ang kanyang ama nang pumasok ang kanyang tito sa kanilang bahay noong gabi ng Enero 17.

Pinagbantaan daw siya nitong huwag magsusumbong kahit kanino, sabay pagpapakita ng dalang baril.

Tatlong beses umanong ginahasa si Maria sa harap ng mga anak nito.

Inabutan umano ng padre depamilya na nakagapos ang kanyang asawa, pero imbes na tulungan ay pinabayaan lang niya ito.

Inutusan din umano ng mister ng biktima ang suspek na mag-igib ng tubig bago ito hiningan ng 3 stick ng sigarilyo.

Si Jessa na ang nagtanggal ng gapos sa ina, gamit ang itak.

Madalas namang nakatulala si Maria kapag kinakausap. Anya, ramdam niya pa rin niya ang takot pero pilit niyang pinapalakas ang loob para sa kanyang mga anak.

Duda ng pulisya, planado ang nangyaring krimen.

"Iyung asawa ni nanay, laging wala. Parang it will take an hour bago makabalik ng bahay kung pupunta sa bukid. Sinamantala siguro na wala ang asawa niya," ani PO2 Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Minalabac police.

Dagdag ng pulisya, lumabas sa medico-legal examination na positibong ginahasa si Maria.

Sinampahan na ng kasong rape ang hindi pa nahuhuling suspek noong Huwebes.

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng awtoridad kung may pananagutan sa batas ang asawa ng biktima na hindi umano tinulungan ang kanyang misis.

Nasa pangangalaga na ng pulisya si Jessa at bunso niyang kapatid.

Pero isa pang menor de edad na anak ni Maria ang kinuha umano ng isa pa nitong bayaw. Naghain na ng hiwalay na reklamo ang ginang ukol dito.
[source]
Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

DON'T miss our daily news via facebook. Like our facebook page now!

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90