Gay And Lesbian Love Story Goes Viral


CAMARINES SUR- Payak ang pamumuhay ngunit makulay ang buhay ng mag-asawang Lloyd Ocampina at Evelyn Balabag sa Barangay Santa Rosa del Sur ng bayan ng Pasacao, Camarines Sur.

Tomboy si misis habang aminado naman na bading si mister.

Sa kabila nito, 7 taon na silang magkapiling at sabay na itinataguyod ang kanilang dalawang maliliit pang anak.

Empleyado sa munisipyo si Lloyd at suma-sideline din na make-up artist bilang si “Bubbles.”

Kwento ni Lloyd, hindi niya talaga niligawan si Evelyn at nagsilbing tulay ang mga bading nilang kaibigan.

Dagdag pa niya, una silang nagkakilala ni Everlyn sa sinalihan niyang gay beauty pageant at na-develop dahil na rin sa panunukso ng mga kaibigan niyang bading.

Lalo daw nahulog ang loob niya kay Everlyn, nang makita na kayang-kaya niya ang mga gawaing panlalaki tulad ng pag-igib ng tubig, paglinis sa babuyan, at pagka-maasikaso nito.

Kwento naman ni Everlyn, nagustuhan naman niya ang pagiging torpe at mapagbiro ni Lloyd.

Tulad ng ibang mag-asawa, may ilang problema at tampuhan din sila pero patuloy silang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa malawak na pang-unawa ng publiko.

Wala daw pinagsisisihan ang mag-asawa sa kanilang mga nakaraan dahil mas mahalaga daw ang ngayon.

Hiling nila sa araw ng mga puso, tuluyan na silang maintindihan ng kanilang mga magulang at mabigyan ng basbas para tanggapin ang sakramento ng kasal para sa mga anak nila.

[source]
Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90