WATCH: Kaibigan Ni Ritz Azul, Sinapian!


Hindi makakalimutan ng bagong Kapamilya na si Ritz Azul ang kanyang horror story na totoong nangyari sa kaniya at sa kaniyang kaibigan noong high school students pa lang sila sa probinsya ng Pampanga, at nagtungo sa Baguio para sa isang retreat.

Hindi iniwan ni Ritz ang kaibigan kahit alam niya na may kakaiba ng nagaganap dito. "Ako lang ang kasama niya sa room. Maya-maya, bigla na lang siya nangingisay."

Marami pang naganap sa pagsanib sa kaibigan ni Ritz. Mayroon din siyang narinig na ibang boses na lumabas sa kaniyang kaibigan.


"Kung anu-ano na ang boses niya -- may lalaki, may babae, may bata. Kita ng buong klase 'yun. Natakot na ang lahat, tapos tinawag na yung pari," aniya.

Naawa si Ritz sa kaibigan, lalo na nang humingi na ito ng tulong sa kaniya.


"Hindi niya alam, wala siyang alam. Naawa rin ako sa kaniya nung patapos na yung sanib, sabi, 'Ritz, ayoko na, pagod na ako. Anong nangyayari?'"

Nagpasalamat si Ritz at nalagpasan ng kaibigan nya ang pangyayaring iyon at ipinagdasal na hindi na ito maulit pa.



[source]

Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

DON'T miss our daily news via facebook. Like our facebook page now!

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90