Driver Naaksidente Dahil Sa 'White Lady'?



Isang nakakatakot daw na pangyayari ang naranasan ng isang tricycle driver sa lungsod ng Koronadal na naging dahilan ng pagkaaksidente.

Napag-alaman na patuloy na nagpapagaling ang tricycle driver na si Jessi Dacula, 44, isang tricyle driver at residente ng Barangay Topland, Koronadal City.

Ayon sa driver nangyari ang insidente nang pauwi ito sa kanilang bahay pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Sinabi nitong binababay niya ang kahabaan ng Barangay Topland ng bigla na lamang umanong tumawid sa kanyang harapan ang isa babaeng nakaputi ang damit.


Aniya, ito ang dahilan kaya siya ay nawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong tricycle at bumangga ang side wheel nito sa puno ng acasia dahilan kaya tumilapon ito.

Napuruhan umano sa aksidente ang dibdib ng biktima kaya hirap na itong magsalita.


Hindi umano nito namukhaan ang babaeng tumawid dahil sa bilis na pangyayari at sa takot na kanyang naramdaman.

Pinaniniwalaan naman ng marami na white lady ang nakita ng naaksidenteng driver na unang beses na nangyari sa kanya sa loob ng 10 taon nitong pagmamaneho.
SourceBomboradyo
[source]
Like this article
What can you say about this news? Please SHARE this to all your family, friends at ka DDS para malaman din nila ang balitang ito..Thank you

TRENDING NEWS TODAY

Recent Posts Widget
Disclosure: Contributed articles does not reflect the view of netizensph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. We used third-party advertisements to continue our service for you. Thank you for your patience
Loading...

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90