TRENDING: SUE RAMIREZ, KAPALIT NI JESSY MENDIOLA BILANG KOREA TOURISM AMBASSADOR



MANILA – Hinirang na bagong South Korea ambassador for Tourism ang aktres at mang-aawit na si Sue Ramirez kapalit ng aktres na si Jessy Mendiola.

Nitong Disyembre 19, 2016 sa isang ceremonial appointment na ginanap sa Makati City ay tinanggap ng aktres ang panibagong gawain.

“I’m truly fortunate sa dami ng artista ako ang napili nila to be the honorary ambassador for Korean tourism dito sa Pilipinas. Sobrang blessed ng pakiramdam at sobrang excited na ako sa kailangan kong gawin. I promise to give my best to be a great ambassadress for Korea tourism,” maligayang pahayag ng aktres.

Sinabi rin ng 20-anyos na aktres na nasasabik siyang makapunta sa South Korea sa unang pagkakataon at mabisita ang Jeju Island; gayundin ang matikman ang iba’t-ibang pagkain sa nasabing bansa.

Mula sa ABS-CBN, sinabi ni Inshik Park, ang direktor ng Korean Tourism Organization, na ang pagkagiliw ni Ramirez sa kultura at mamamayan ng Korea ang naging dahilan kung kaya’t siya ang napili.

"She has great image. She’s also interested in Korea, that’s why we chose her and she agreed. We are very happy,” sabi ni Park.

Inaasahang ibabahagi ni Ramirez ang kanyang mga karanasan sa pagtuklas sa kultura ng Korea sa kanyang social media accounts tulad ng Instagram, Twitter at Facebook. Mananatili siyang ambassador hanggang Nobyembre 2018.

Sinabi naman ni Ramirez na hindi niya mapapalitan si Mendiola bilang ambassador.

“Hindi naman mapapalitan si Jessy. Siguro something new, something different at magkaiba naman kaming tao. Kung ano ang na-offer ni Ate Jessy, I’m sure talagang satisfied ang KTO. Ngayon something new lang siguro ang hinahanap nila at nandito ako para i-offer ‘yon sa kanila,” paliwanag ng aktres.

Source :


What can you say about this trending news? If you find it more interesting please SHARE to your friends

No comments

Powered by Blogger.