Jinggoy to Trillanes : Ganyan ka na ba kayabang ngayon?



Nagbigay ng kanyang pahayag si former Senator Jinggoy Estrada tungkol sa inasal ni Senator Antonio Trillanes IV sa Senate inquiry tungkol sa extrajudicial killings at dumaraming insidente ng pagpatay, na may kaugnayan sa pagsugpo sa ilegal na droga ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Estrada, “Laking gulat ko nang bigla mong patayin ang mikropono at sabihan mo ang iyong kapwa senador na ‘Hindi kita papapormahin dito.’


“Ganito na ba ngayon ang kalakaran sa Senado? Para yata malaki na ang pagkakaiba simula nung kami (graduating senators) ay lumisan sa senado.

“Kung natatandaan mo, Sonny, meron tayong respetohan bilang mga kapwa senador.

“In fact, meron tayong rules na kailangan natin sundin bilang mga ginagalang na mambabatas.

“Kahit gaano mo kagalit ang iyong kasamahan sa senado, you should have been civil to him while inside the halls of the senate.”

Patuloy ni Estrada, “I had my unforgettable experiences in the senate. Remember when my colleagues, including you, investigated the PDAF scam?

“We were already guilty when the chairman, then Senator Guingona including Senator Alan Cayetano gave comments left and right to make it appear that the 3 senators were scoundrels in the government.

“Ngunit ano ang ginawa ko? Di ba idinaan ko na lang sa privilege speech ang mga hinaing ko?


“I never ever approached a colleague and say straight to his face na ‘Hindi kita papopormahin dito’ or words to that effect.”

Ipinaalala rin ni Estrada na hindi hawak ni Trillanes ang senado at pareho lamang sila ni Cayetano na inihalal ng taong-bayan.

“Senator Trillanes, I hope you know the true meaning of RESPECT!! Ganyan ka na ba kayabang ngayon? Ikaw na ba ang may hawak sa Senado?

“I am not defending Senator Alan but who are you to say that to a colleague of yours?

“Pare-pareho naman kayong mga senador, di ba? Pare-pareho naman kayong hinalal ng taong bayan di ba?

“You are NOT superior among your colleagues!!

“Sayang wala na ako diyan, dahil kung ako ang pinagsabihan mo ng ganyan, malamang masapak na kita!!”




No comments

Powered by Blogger.