De Lima posibleng konektado sa natuklasang shabu lab sa Catanduanes - Aguirre



Malaki umano ang posibilidad na maging batayan ng panibagong reklamo laban kay Sen. Leila de Lima ang natuklasang mega shabu laboratory sa Catanduanes.

Una nang lumabas ang mga balita na ang nasabing shabu laboratory na natuklasan sa loob ng property ng opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Atty. Eric Isidoro ay posibleng kunektado rin kay De Lima.

Sinabi ni Aguirre na ang shabu laboratory ay may kapasidad umano na mag-produce ng tinatayang 10 tonelada ng shabu kada buwan.

Sa ngayon ay nagpadala ang DoJ ng mga state prosecutors sa Catanduanes para tumulong sa PNP-Anti Illegal Drugs Division sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
SourceBomboradyo


No comments

Powered by Blogger.